Home NATIONWIDE Walo timbog sa P22M iligal na petroleum products sa Bataan

Walo timbog sa P22M iligal na petroleum products sa Bataan

1
0

MANILA, Philippines – Libu-libong litro ng na tinatayang nasa P22 milyong halaga ng mga iligal na produktong petrolyo ang nasabat ng mga awtoridad, habang walong indibidwal ang naaresto sa ikinasang entrapment at joint anti-smuggling operations ng pulisya nitong Huwebes ng madaling araw, Hulyo 16 sa isang hinihinalang imbakan ng iligal na produktong petrolyo (Patuloy/Paihi) sa Barangay San Benito, Dinalupihan, Bataan.

Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez, magkasanib pwersang sinalakay ng Police Regional Special Operations Group of the Regional Intelligence Division 3 (RSOG-RID3), PNP Intelligence Group Task Force Anti-smuggling, CIDG Bataan Provincial Field Unit, Bataan Provincial Mobile Force Company at Dinalupihan Municipal Police Station ang lugar kung saan iniimbak umano ang mga iligal na kinakalakal o ibinebentang produktong petrolyo.

Sa inisyal na ulat, naaktuhan sa entrapment operation ang dalawa sa mga suspek na nagbenta umano ng mga puslit na produktong petrolyo sa undercover police.

Sa operasyon nang hanapan ng dokumento, wala umanong maipakitang permit ang mga suspek mula sa Department of Energy (DoE).

Inabutan ng mga awtoridad ang anim (6) pang suspek na kasalukuyan umano sa kanilang iligal na operasyon habang nagsasalin ng mga produktong petrolyo (diesel and gasoline) sa mga container mula sa mga fuel tanker truck na naroon sa lugar.

Nakumpiska sa operasyon ang nasa 68,000 liters ng diesel, 20,000 liters ng unleaded gasoline, 7,600 liters ng premium gasoline at 8,800 liters ng ethanol.

Kasama din sa nakumpiska ang apat (4) na fuel tanker truck, electric pump at ilang mga delivery documents na posibleng may kinalaman sa illegal trading operation.

Ang mga nakumpiskang iligal na produktong petrolyo ay nakatakda sanang ideliver sa kanilang parukyano o ibenta sa merkado.

Mahaharap ang mga naarestong suspek at mga mapapatunayang nagmamay-ari ng mga iligal na produkto sa patung-patong na kaso. ROEL TARAYAO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here