MANILA, Philippines – Libu-libong litro ng na tinatayang nasa P22 milyong halaga ng mga iligal na produktong petrolyo ang nasabat ng mga awtoridad, habang walong indibidwal ang naaresto sa ikinasang entrapment at joint anti-smuggling operations ng pulisya nitong Huwebes ng madaling araw, Hulyo 16 sa isang hinihinalang imbakan ng iligal na produktong petrolyo (Patuloy/Paihi) sa Barangay San Benito, Dinalupihan, Bataan.
Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez, magkasanib pwersang sinalakay ng Police Regional Special Operations Group of the Regional Intelligence Division 3 (RSOG-RID3), PNP Intelligence Group Task Force Anti-smuggling, CIDG Bataan Provincial Field Unit, Bataan Provincial Mobile Force Company at Dinalupihan Municipal Police Station ang lugar kung saan iniimbak umano ang mga iligal na kinakalakal o ibinebentang produktong petrolyo.







