MANILA, Philippines – Pinalawig ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang “no disconnection policy” para sa serbisyo ng kuryente hanggang Oktubre 2026.
Ayon kay ERC Chairperson Francis Saturnino “Nino” Juan, inaprubahan ng komisyon ang kautusan na nagpapalawig sa naunang advisory na nagbabawal muna sa pagputol ng serbisyo ng kuryente sa mga residential at non-residential consumers sa loob ng tatlong buwan.
“Inaprubahan ng komisyon noong isang araw yung kautusan na magpapalawig doon sa nauna na naming inilabas na advisory noon na wala muna putulan, residential man o non-residential, sa loob ng tatlong buwan, so hanggang Oktubre,” ani Juan sa panayam sa DZMM.
Samantala, nanawagan ang mga grupong Akbayan at Sentro na ipagpatuloy ang pagbabawal sa pagputol ng kuryente hangga’t nananatiling mabigat sa mga pamilya ang pagbabayad ng kanilang electric bill. Muli rin nilang hiniling ang imbestigasyon sa mga singil sa kuryente.
“It’s unfair to disconnect families from a very essential service when some charges on their bills are questionable. As long as electricity bills continue to shock consumers, the suspension of service disconnections must be extended. People should not have to choose between keeping the lights on and putting food on the table,” ayon kay Akbayan President Rafaela David. RNT/MDS