Home NATIONWIDE PCG, paiigtingin inspeksyon sa barko; 2M pasahero inaasahan sa Undas

PCG, paiigtingin inspeksyon sa barko; 2M pasahero inaasahan sa Undas

2
0

MANILA, Philippines – Paiigtingin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang inspeksyon sa mga pampasahero at roll-on/roll-off (RoRo) vessels ngayong Undas, kung saan inaasahang aabot sa 2 milyong katao ang bibiyahe sa dagat mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3.

Ayon sa PCG, tututukan ang cargo stowage, fire prevention measures at emergency exits para matiyak na sumusunod sa maritime safety regulations ang mga barko sa gitna ng holiday rush.

Inatasan ang mga tauhan ng Coast Guard na tiyaking maayos na nakasecure at nakapwesto ang mga kargamento, lalo na para hindi maharangan ang access sa emergency exits, ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab.

Sakop din ng inspeksyon ang firefighting plans at equipment, lifesaving gear, passenger manifests at pagsunod sa awtorisadong passenger at cargo capacities.

Nakikipag-ugnayan na ang PCG sa mga vessel operators at shipping companies para maagapan ang posibleng safety risks bago bumiyahe.

“Maritime safety is a shared responsibility, and we are calling on all shipowners to strictly observe maritime safety regulations, specifically on cargo stowage and fire prevention,” ani Cayabyab.

Magtatalaga ang Coast Guard ng 17,000 tauhan sa buong bansa para sa Undas 2026, na may layuning walang maitalang maritime incident.

Nakikipag-ugnayan din ang PCG sa Maritime Industry Authority (MARINA), Philippine Ports Authority (PPA) at iba pang maritime stakeholders para pamahalaan ang galaw ng pasahero at tugunan ang safety concerns sa mga pantalan at barko. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here