Home NATIONWIDE ‘Wag, masyadong hot’: Tulfo kay Cayetano sa bagong anggulo sa flood control...

‘Wag, masyadong hot’: Tulfo kay Cayetano sa bagong anggulo sa flood control probe

3
0

MANILA, Philippines – Lantarang pinatulan ni Senador Erwin Tulfo ang hamon ni  Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nitong Biyernes sa parallel probe ng blue ribbon committee sa food control scandal at isyu sa 2019 SEA Games ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sa pahayag nitong Biyernes, sinabi ni Tulfo, chairman ng Senate blue ribbon committee na susuriin ng lupon ang bagong anggulo partikular ang hindi naipaliwanag na isyu sa flood control scandal.

Naunang inihayag ni Cayetano na kanyang susuportahan ang imbestigasyon ng NBI sa sinasabing procurement irregularities sa   2019 Southeast Asian (SEA) Games pero kung papayagan ang minorya na imbestigahan din ang eskandalo sa flood control.

Kasunod ito ng pahayag ni  NBI Director Melvin Matibag na mag-iimbestiga ang ahensiya sa sinasabing infrastructure irregularities at  unliquidated funds sa SEA Games, ang organizing committee na dating pinamumunuan ni Cayetano.

“So madali lang yan, Malacanang. Kasi sumusunod naman sa inyo, sina Sen. Erwin, sina Sen. Lacson, yung mga nasa Blue Ribbon, kalabitin nyo na,” ayon kay Cayetano sa Facebook video.

Sinabi ni Tulfo na kailangan pang magtalaga ng vice chairman at miyembro mula sa minorya pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) sa July 27.

“Mayroon pong kaming mga investigation na gagawin sa flood control, so ika mo, relax lang, ‘wag masyado hot… Talaga naman kung ano na lang si Boy Banat. Dadating po tayo d’yan. Hindi po natin titigilan ‘yang flood control na ‘yan,” ayon kay Tulfo.

Pero, binanggit din ni Tulfo na mayroon ang kasong isinampa laban sa ilang mambabatas at kontraktor na sangkot sa flood control scandal.

“Ngayon, kung sasabihin niya (Cayetano), imbestigahan na naman ito, para ano pa? Mayroon na nga pong kaso,” aniya. “Ang hahanapin ko po yung bago.”

“Ang iimbestigahan na flood control, kung may bagong ebidensya na naman laban sa isang tao, ibang project na naman. For example, si Zaldy Co, bukod sa flood control, mayroon pa pala siyang mga farm-to-market road, mayroon pa pala siyang mga eskwelahan na ipinatayo na ika nga ghost schools,” giit ni Tulfo.

Sa ika-limang impeachment trial, kinastigo nina Cayetano at kapatid nitong si Senator-judge Pia Cayetano ang panggigipit ni Matibag sa pananakot na magkakaroon ng panibagong imbestigasyon sa 2019 SEA Games.

Ngunit, iginiit ni Tulfo na hindi akmang lugar ang impeachment court para sa ganitong pananalita.

“May proper forum po; hindi naman po dapat sa impeachment court sinasabi po ‘yan. Tutal, gusto n’ya naman, sa Facebook po sinabi ni Matibag, dapat sinagot niya sa Facebook; hindi na po ginamit yung oras ng impeachment court,” ani Tulfo.

“Kasi the impeachment court was established for the Vice President, it is the proper forum for the Vice President to deny allegations, to defend herself—not to defend ourself,” dagdag ng senador. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here