Home METRO Barangay tanod huli sa aktong nagsa-shabu sa Valenzuela

Barangay tanod huli sa aktong nagsa-shabu sa Valenzuela

9
0

MANILA, Philippines – Arestado ang isang barangay tanod matapos maaktuhang sumisinghot umano ng shabu sa Valenzuela City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 11, 12, at 15 ng R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang suspek na si alyas “Rico” ng Disiplina Village, Brgy., Bignay.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, inireport ng 45-anyos na house maid sa mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 7 ang suspek matapos niya itong makitang gumagamit umano ng droga sa loob ng isa sa mga Unit sa Disiplina Village sa Blk 10, Brgy. Bignay.

Kaagad namang rumesponde ang mga pulis sa lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong alas-6:10 ng gabi matapos maatukhan nila na sumisinghot umano ng shabu.

Nakumpiska sa kanya ang isang plastic sachet na naglalaman ng suspected shabu na nagkakahalaga ng P1,088, isang nakabukas na plastic sachet na may bahid ng shabu at mga drug paraphernalia. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here