MANILA, Philippines – IImbitahan ng Senate Blue Ribbon Committee si Senador Alan Peter Cayetano at nakababata nitong kapatid na si PTV-4 General Manager Lino Cayetano para sa imbestigasyon sa flood control project kaugnay sa umano’y “ghost” flood control projects sa Taguig City.
Ayon kay Blue Ribbon Committee chairperson Senator Erwin Tulfo, si Lino na mayor ng Taguig mula 2019 hanggang 2022 ay humihiling ng imbestigasyo sa flood control projects sa lungsod mula 2022 hanggang 2025 na nagkakahalaga ng kabuuang P6 bilyon.
“Siguro dapat mag-ready siya doon na kapatid niya mismo ang humihingi ng imbestigasyon dahil may nakita yata ‘yung kanyang kapatid,” ani Tulfo, na tumutukoy sa mas matandang Cayetano.
Itinanggi naman ng senador na mayroong ghost flood control projects sa Taguig.
Aniya, si Tulfo at Senador Panfilo “Ping” Lacson ay kanyang kritiko na kumikwestyon sa sarili nitong yaman.
Ang imbestigasyon ng Blue Ribbon panel sa maanomalyang flood control projects ay magpapatuloy sa Hulyo 27 pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo. RNT/JGC