Home NATIONWIDE 7 milyong pamilya makikinabang sa libreng bigas ng PBBM admin

7 milyong pamilya makikinabang sa libreng bigas ng PBBM admin

13
0

MANILA, Philippines – MAY KABUUANG 7 milyong pamilyang Pinoy sa buong bansa ang makikinabang mula sa rice distribution program ng gobyernong Marcos.

Tiniyak ng Malakanyang sa publiko na walang Filipino ang magugutom lalo na iyong mga nangangailangan.

Inihayag ni Executive Secretary Ralph Recto ang nasabing commitment matapos pangunahan ang distribusyon ng libreng bigas sa 55,000 pamilya sa Oriental Mindoro ngayong linggo sa pamamagitan ng Bawat Bayan Makikinabang program ng administrasyong Marcos sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF).

“It is important to President Ferdinand Marcos Jr. that none of our fellow Filipinos go hungry,” ang sinabi ni Recto.

“The president’s directive is to ensure that government programs reach the people,” dagdag na wika ni Recto.

Sinabi ni Recto na ang libreng rice distribution initiative ay napakinabangan na ng 7 milyong pamilya sa buong bansa.

Tinuran ni Recto, kabilang din sa inisyatiba ang pagbili ng bigas mula sa lokal na magsasaka at pagbibigay ng karagdagang suporta sa agriculture sector.

Ang rice distribution ay bahagi ng Bawat Bayan Makikinabang initiative na sinimulan sa buong bansa, kabilang din ang scholarship assistance, livelihood support, at iba pang social welfare programs na naglalayong paghusayin ang kapakanan ng mga residente.

Ang sinasabing nationwide effort ay pinondohan sa pamamagitan ng LGSF, isang financial program na tumutulong sa local government units sa pagpapatupad ng iba’t ibang programa at serbisyo.

Kabilang sa 2026 national budget ang pinakamalaking LGSF allocation sa kasaysayan na P57.872 billion.

Kabilang sa alokasyon ang P37.492 bilyon para sa Financial Assistance to Local Government Units (FALGU), kalahati ay inilaan para sa nationwide rice distribution program, kung saan ang mga identified families ay makatatanggap ng 10 kilo ng bigas kada buwan sa loob ng anim na buwan kada taon.

“If the implementation of this program becomes successful, we will further increase our LGSF in the next two years,” ang sinabi ni Recto. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here