PAMPANGA, Philippines – Timbog ang apat (4) na drug suspek sa drug den na sinalakay at winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Pulisya sa Madapdap Resettlement, Barangay Dapdap, Mabalacat City.
Kinilala ng PDEA ang mga naarestong suspek na sina alyas “Yeng”, 45 anyos; Belle, 29; Tupe, 24; at Ton-ton, 25″, pawang mga residente sa naturang lugar.
Nadakip ang mga suspek matapos umanong maaktuhang magkakasabwat na nagbenta ng shabu sa PDEA undercover agent.
Narekober sa mga suspek ang nasa 10 grams ng suspected shabu, drug paraphernalia at ang marked money na ginamit sa buybust.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag Dangerous Drug Law. (ROEL TARAYAO)