Home HOME BANNER STORY Padilla sinopla ni Erwin sa personal rant vs Ombudsman sa Impeachment Court

Padilla sinopla ni Erwin sa personal rant vs Ombudsman sa Impeachment Court

11
0

MANILA, Philippines – Matinding sinopla ni Senator-judge Erwin Tulfo si Senator-judge Robin Padilla sa paggamit ng impeachment court upang batikusin ang Office of the Ombudsman hinggil sa hindi pagsusumite ng counter-affidavit sa kasong Obstruction of Justice.

Sa ika-pitong araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, tumindig si Tulfo pagkatapos magbigay ng pahayag si Padilla laban sa pahayag ni Ombudsman Crispin Remulla na hindi pagsusumite ng counter-affidavit sa kasong Obstruction of Justice.

Naunang kinasuhan si Padilla ng obstruction of justice dahil naniniwala ang Ombudsman na sangkot ang senador sa pagtakas ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa habang nasa protective custody ito ng Senado.

Ayon kay Tulfo, nagagamit ng ilang senator-judge ang panahon ng Impeachment court na nilikha upang litisin si Vice President Duterte sa mga bagay na walang kaugnay sa pagdinig sa Articles of Impeachment na nakahain dito.

“Mr. Presiding Officer, Senate President, ladies and gentlemen, this impeachment court was established to try the Vice President of the Republic. Ang punto ko po rito kasi napapansin ko po ilang araw na nagagamit po natin ang impeachment court, ang oras po ng impeachment court,” ayon kay Tulfo.

“Nagagamit ang oras ng impeachment court sa pagtatanggol ng sarili… ng ilang kasamahan natin sa mga akusasyon. This is not the right forum, the right venue, and not the right time to explain your situation… Huwag po nating gamitin ang impeachment court sa pagpapaliwanag o pagtatanggol ng ating sarili,” dagdag ni Tulfo.

Ayon kay Tulfo, kung gusto ni Padilla na magpaliwanag hinggil sa paratang ng Ombudsman sa hindi nito pagsusumite ng counter affidavit, maaari nitong gawin sa labas ng oras ng impeachment court.

“Maaari pong sa press conference, nandiyan naman po ang senate media. Anytime po, nandoon sila sa Senate briefing room, press briefing room. Maaari din po sa Facebook o sa YouTube magpaliwanag. Huwag po natin gamitin ang oras ng impeachment court sa pagpapaliwanag o sa pagtatanggol ng ating mga sarili simula pa po noong nakaraang linggo. Because the time we waste here to defend ourselves, defend what we believe or what have you, is an injustice to the Vice President,” ayon kay Tulfo.

Naunang tumindig si Padilla upang batikusin ang Ombudsman sa pagsisimula ng impeachment court bago talakayin ang nakabinbin na kahilingan ng Prosecution Panel sa pamumuno ni Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno na magpalabas ng subpoena sa bank at tax records ni Duterte

Ayon kay Padilla, walang katotohanan ang binanggit ng Ombudsman na hindi ito nakapagsumite ng counter-affidavit sa kasong obstruction of justice sabay pagpapakita ng orihinal na kopya ng dokumento na tinanggap ng naturang ahensiya. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here