Home HOME BANNER STORY Record low ulit: Piso sumadsad pa sa P63.95 kada dolyar

Record low ulit: Piso sumadsad pa sa P63.95 kada dolyar

1
0
(c) Danny Querubin

MANILA, Philippines – Lalo pang humina ang piso at nagsara sa P63.95 kontra US dollar nitong Lunes, Oktubre 26, panibagong record low para sa lokal na currency.

Mula sa pagsisimula ng Oktubre, humina na ng P1.175 ang piso laban sa dolyar.

Nangyari ang patuloy na paghina sa kabila ng desisyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na itaas ng 50 basis points ang key policy rate ngayong buwan sa 5.50 porsiyento, hakbang na karaniwang nakatutulong upang suportahan ang halaga ng piso.

Nauna nang sinabi ni BSP Governor Eli Remolona Jr. na hindi layunin ng central bank na pigilan nang tuluyan ang pagbaba ng piso dahil maaari itong makaapekto sa foreign exchange reserves ng bansa.

Gayunman, maaaring kumilos ang BSP sa foreign exchange market upang mapahupa ang matitinding paggalaw ng halaga ng piso.

Inaasahang magpapamahal pa sa imported na produktong binabayaran sa dolyar, partikular sa langis, ang mahinang piso. Maaari rin itong magdagdag sa pressure sa inflation at sa halaga ng pagbabayad sa foreign-denominated debt ng bansa.

Noong Pebrero 27, nasa P57.665 kada dolyar ang piso. Mula noon, humina na ito ng P6.285, o halos 11 porsiyento, laban sa US currency. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here