MANILA, Philippines – Pinuri ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Lunes, Hulyo 20 ang ahenteng sangkot sa shooting incident ni dating Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca noong Mayo 13.
Ginawaran ni NBI Director Melvin Matibag ng NBI Shield of Bravery si agent Francisco.
“Bago pa ang pinakita niyang katapangan at kabayanihan sa pagprotekta sa mga kasamahan nung May 13, 2026 sa GSIS, madami nang pinamalas na kabayanihan at katapangan si Agent Francisco,” ani Matibag.
Sinabi niM Matibag na ipinakita ni Francisco ang “grace under pressure.”
“At kahit paano pa i-spin ito ng mga senador, lalong-lalo na ang aking best friend na Senator Alan Peter Cayetano, ang kwento doon sa Senate na sila ay under attack, alam natin na hindi totoo sapagkat alam natin ang unang nagpaputok ay ang OSAA head na si Gen. Aplasca na na-suspend pa ng Ombudsman,” aniya.
Iginiit din ni Matibag na ang insidente ay nagbigay-daan para makatakas si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na wanted sa International Criminal Court (ICC). RNT/JGC