Home HOME BANNER STORY 2 Pinoy seafarer, 12 sugatan sa drone strike sa Black Sea

2 Pinoy seafarer, 12 sugatan sa drone strike sa Black Sea

14
0

MANILA, Philippines – Dalawang Pinoy seafarer ang nasawi sa magkahiwalay na drone attack sa mga barkong naglalayag sa northern Black Sea, ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Cacdac nitong Lunes, Hulyo 20.

Idinagdag pa niya na may 12 iba pang Filipino seafarer ang sugatan at isa ang nawawala.

Ayon kay Cacdac, hanggang nitong Hulyo 20 ay mayroong siyam na barko sakay ang Filipino seafarers ang iniulat na inatake habang tumatawid sa northern Black Sea o dumadaong sa pantalan sa southern Ukraine.

Ang Black Sea ay ikinokonsiderang high-risk at war-like zone ng International Bargaining Forum at Department of Migrant Workers. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here