Home NATIONWIDE Sunod-sunod na krimen sa bansa, ‘di ikinatutuwa ni PBBM

Sunod-sunod na krimen sa bansa, ‘di ikinatutuwa ni PBBM

11
0

MANILA, Philippines – HINDI ikinatutuwa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang tila sunod- sunod na naiuulat na krimen sa bansa.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na bagama’t may ganitong pag-uulat ay sa pangkalahatan ay maayos naman ang peace and order sa bansa.

Sa katunayan, sinabi ni Castro na may mga lugar pa ngang naiulat ang Philippine National Police (PNP) na walang naitalang krimen o zero crime

Iyon nga lamang kasi aniya ay nabibigyang-diin sa mga balita ang naganap na krimen nitong mga nakalipas na araw na kung tutuusin ay mabilis din namang naaksuyunan ng pulisya.

Samantala, pinanghawakan ng Malakanyang ang ulat ng PNP na bumaba ang crime rate ng 20.6% na mula sa 9,506 kaso noong Enero hanggang Abril ay bumaba ito sa 7, 883 kaso nitong Hulyo. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here