Home NATIONWIDE Estudyante, obrero patay sa magkahiwalay na insidente ng pagkalunod sa Batangas

Estudyante, obrero patay sa magkahiwalay na insidente ng pagkalunod sa Batangas

7
0

MANILA, Philippines – Dalawang magkasunod na insidente sa pagkalunod, kabilang ang isang walong taong gulang na estudyante at construction worker ang naitala sa Nasugbu at Tanauan, Batangas.

Naunang naiulat na nasawi sa pagkalunod na kinilala sa alyas John 22, construction worker, naninirahan sa Poblacion 3, GMA, Cavite.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Nasugbu Police Station, ang biktima (John) ay natagpuan dakong alas- 5:57 ng umaga ng mga concerned citizen na nakalutang sa dagat sa Barangay Bucana, Nasugbu, Batangas.

Napag-alaman na ang biktima at mga kaibigan nito ay nag-inuman at nagkayayaan na maligo sa nasabing dagat kung saan malakas ang alon.

Samantalang, hinihinalang ang pagkalunod umano ng biktima ay dahil sa kalasingan na humantong sa pagkalunod na ikinasawi nito.

Kasunod nito, isang walong taong gulang na batang lalaki ang nalunod sa swimming pool sa Barangay Talaga Tanauan City, Batangas.

Ang biktima na kaagad na isinugod sa Laurel District Hospital subalit idineklarang dead on arrival ay ang biktimang si Jhared, 8, estudyante, at nakatira sa Barangay Sambat ng nabanggit na lungsod.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, ang biktima ay naligo ganap na alas- 2:00 ng hapon sa swimming pool kasama umano ang tiyuhin nito.

Umahon ang tiyuhin upang kumuha ng pagkain kaya naiwan ang biktima sa pool.

Makalipas ang ilang minuto ay binalikan ng tiyuhin ang biktima subalit hindi na ito nakita at natagpuan na lamang ang pamangkin sa ilalim ng swimming pool na walang malay. Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here