Home NATIONWIDE Lalaki pinagbabaril-patay habang humihingi ng tulong

Lalaki pinagbabaril-patay habang humihingi ng tulong

22
0

MANILA, Philippines – Isang lalaki ang namatay makaraang pagbabarilin habang tumatakbo at humihingi ng tulong sa harap ng isang tindahan sa Brgy San Nicolas III, Bacoor City, Cavite.

Ayon sa report, kinilala ang biktima na si alyas “Waway,” nasa hustong gulang.

Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-9:00 ng gabi ay nakatayo lamang umano ang biktima sa harap ng isang tindahan nang biglang dumating ang mga suspek.

Dito agad na pinaputukan ang biktima gamit ang hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Kahit may tama na baril, nagawa pang makatakbo ng biktima habang sumisigaw at humihingi ng “tulong.”

Subalit hindi pa rin ito tinantanan, patuloy pa rin siyang hinabol at paulit-ulit na pinaputukan hanggang sa tuluyan na itong bumagsak dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa hindi pa malamang direksyon.

Agad namang dinala sa pagamutan ang biktima ng mga residente na rumesponde rito.

Subalit hindi pinalad na makaligtas ang biktima hanggang sa idineklarang dead on arrival ayon sa doktor na tumingin.

Batay sa pag iimbestiga ng pulisya, tinatayang may taas na 5’5″ hanggang 5’6″, nakasuot ng puting long-sleeved shirt at itim na pantalon ang suspek at itinuturing ding persons of interest ang dalawa pa nitong kasama.

Kaagad na rumesponde ang mga imbestigador, SWAT, at intelligence operatives ng Bacoor Component City Police Station upang magsagawa ng follow-up operations at matukoy ang motibo sa krimen at madakip ang mga responsable sa nassbing pamamaril. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here