Home NATIONWIDE Bebot na may kasong illegal recruitment sa Pasay, tiklo sa Cavite

Bebot na may kasong illegal recruitment sa Pasay, tiklo sa Cavite

5
0

MANILA, Philippines – Nadakip ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Pasay City police ang isang babaeng tinaguriang most wanted person (MWP) na nahaharap sa kasong large scale illegal recruitment Lunes ng tanghali, Hulyo 20.

Kinilala ni Pasay City police chief P/Col. Joselito De Sesto ang inarestong suspek na si alyas Ara Mae, 28 walang trabaho, at residente ng Barangay Bambang, Bulacan, Bulacan.

Base sa report na natanggap ni De Sesto, naganap ang pagdakip sa bisa ng isinilbing warrant of arrest laban sa suspek bandang alas 12:10 ng tanghali sa loob ng BJMP Carmona City Jail, Female Dormitory sa Carmona, Cavite.

Ang warrant of arrest ay may kaugnayan sa Criminal Case No. 12213 para sa kasong Large-Scale Illegal Recruitment sa ilalim ng Section 6 ng R.A. No. 8042, na inamyendahan ng Section 5 ng R.A. No. 10022.

Ang nasabing warrant ay inisyu ni Hon. Janalyn Beron Gainza-Tang, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 11, Balayan, Batangas, na may petsang Oktubre 21, 2024, at walang kaakibat na rekomendasyong ng piyansa.

Alinsunod sa Supreme Court Resolution A.M. No. 21-06-08-SC o ang Rules on the Use of Body-Worn Cameras in the Execution of Warrants, gumamit ang mga operatiba ng alternatibong recording device sa pagpapatupad ng warrant dahil sa kawalan ng body-worn cameras.

Matapos maisilbi ang warrant, pormal na muling inaresto ang akusado at isinailalim sa karaniwang booking at mugshot procedures ng Warrant Officer sa loob ng BJMP Carmona City Jail, Female Dormitory. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here