MANILA, Philippines – INAASAHAN na makapupulong ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. si Swedish Defense Minister Pål Jonson, araw ng Huwebes, Hulyo 23 sa Pilipinas.
Sinabi ni Teodoro na inaasahan na makakasama sa agenda ng miting ang defense cooperation at ang posibleng procurement o pagbili ng Swedish fighter jets.
“Well, in general, naturally, yung defense cooperation natin, alam ko, alam naman ang publiko, isang ina-eye natin, kung may pondo tayo ‘yung Gripen ano,” ayon sa Kalihim.
Ginawa ng Swedish aerospace company Saab, ang JAS 39 Gripen ay isang lightweight, single-engine supersonic multirole fighter Sweden na ipinanukala sa Philippine Air Force.
At nang tanungin kung pag-uusapan din ng Maynila at Stockholm ang posibleng Status of Visiting Forces Agreement sa pagitan ng dalawang bansa, ang tugon ni Teodoro ay “Wala pa akong nakuhang inkling sa kanila.”
Samantala, nagpulong sina Teodoro at Jonson noong nakaraang taon sa sidelines ng Shangri-La Dialogue sa Singapore.
Taong 2024, winelcome naman ni Teodoro si Jonson sa Pilipinas, tanda ng unang pagkakataon na ang Swedish Defense minister ay bumisita sa Maynila. KRIS JOSE