Home NATIONWIDE 4 studes pinarangalan matapos magligtas ng mga biktima ng lindol sa Sarangani

4 studes pinarangalan matapos magligtas ng mga biktima ng lindol sa Sarangani

6
0

SARANGANI, Philippines – Pinarangalan ang apat na estudyante ng Colon National High School sa Maasim, Sarangani dahil sa kanilang kabayanihan sa magnitude 7.8 na lindol noong Hunyo 8.

Kinilala ng Regional Mobile Force Battalion-12 ang Grade 11 students na sina Jimmy Libona III, Lance Dave Tampos, at Chauncey Carl Pable, kasama ang Grade 12 student na si Ashraf Fernandez, matapos nilang iligtas ang mga kapwa estudyante at guro na na-trap sa gymnasium ng paaralan habang lumilindol.

Tumanggap ang tatlong Grade 11 students ng sertipiko ng pagkilala, RMFB-12 beret, at cash incentive. Hiwalay namang tatanggap ng parangal si Fernandez dahil hindi siya nakadalo.

Ayon kay Police Brig. Gen. Alan Manibog, ang ipinakitang katapangan ng mga estudyante ay patunay na ang pagiging bayani ay hindi nasusukat sa edad at dapat magsilbing inspirasyon sa iba na tumulong sa oras ng pangangailangan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here