Home METRO Grade 9 student, nahulihan ng P204K tobats

Grade 9 student, nahulihan ng P204K tobats

7
0

BACOLOD, Philippines – Nasamsam ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P204,000 mula sa isang 17-anyos na Grade 9 student sa isang paaralan sa Barangay Banago noong Hulyo 20.

Ayon sa pulisya, napansin ng school guard ang kahina-hinalang laman ng bag ng estudyante habang nagsasagawa ng routine security inspection sa exit gate. Nang suriin ito, natagpuan ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 30 gramo.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad kung saan nanggaling ang ilegal na droga at kung ginamit o pinagsamantalahan ang menor de edad ng mga sangkot sa bentahan ng droga.

Isinailalim ang estudyante sa protective custody at ipinasa sa Social Development Center para sa tamang pagproseso alinsunod sa batas para sa mga Children in Conflict with the Law (CICL). Isusumite naman sa forensic laboratory ang nakumpiskang droga para sa pagsusuri.

Sinabi ni PRO-NIR Director Brig. Gen. Romano CardiƱo na mahalaga ang pagiging mapagmatyag ng mga school security personnel upang mapanatiling ligtas ang mga paaralan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here