Home NATIONWIDE PBBM makikipagpulong kay Chinese Ambassador Jing Quan ukol sa opensibang aksyon ng...

PBBM makikipagpulong kay Chinese Ambassador Jing Quan ukol sa opensibang aksyon ng Tsina sa WPS

7
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Malakanyang na ipinatawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Chinese Ambassador Jing Quan sa Palasyo ng Malakanyang, ngayong araw ng Martes, Hulyo 21, upang pag-usapan ang mga kamakailan lamang na opensibang aksyon ng Tsina.

“Confirmed,” ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.

Nakatakdang makapulong ni Pangulong Marcos si Chinese Ambassador Jing Quan sa Palasyo ng Malakanyang mamyang alas-5:00 ng hapon.

Nauna rito, hinimok ni Senador Risa Hontiveros ang Malacañang na ipatawag si Chinese Ambassador to Philippines Jing Quan para sa bagay na ito.

“Ah, ang ano po natin ay gumagawa na rin po ng aksiyon, si Secretary Tess Lazaro patungkol po diyan. Kung ano po ang balak ng Senado, nasa kanila po ‘yan at mandato rin naman po nila na alamin ang mga pangyayaring ito at para maipakita rin sa ating mga kababayan na kinukondena natin ang anumang pagmamaliit sa mga kapwa nating Pilipino,” ang tinuran ni Castro. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here