Home NATIONWIDE Counter-affidavit ni Sen. Padilla, wala pa sa sistema ng Ombudsman

Counter-affidavit ni Sen. Padilla, wala pa sa sistema ng Ombudsman

5
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Office of the Ombudsman na hanggang Lunes ay wala pang naitatalang counter-affidavit ni Sen. Robin Padilla sa kanilang sistema kaugnay ng kasong obstruction of justice.

Inihain ang reklamo laban kina Padilla, Sen. Alan Peter Cayetano, at suspendidong Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca kaugnay ng umano’y pagtulong sa pag-alis ni Sen. Ronald dela Rosa sa Senado matapos ang insidente ng pamamaril noong Mayo 13.

Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, tanging ang counter-affidavit ni Cayetano ang nakikita sa kanilang records sa ngayon. Gayunman, sinabi niyang susuriin nila ang dokumentong ipinakita ni Padilla.

Sa impeachment trial, ipinakita ni Padilla ang orihinal na kopya ng kanyang counter-affidavit upang pabulaanan ang naunang pahayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na hindi umano siya nagsumite ng sagot. Iginiit ni Padilla na sumunod siya sa utos ng Ombudsman at nagsumite ng kinakailangang dokumento.

Samantala, sinabi ni Remulla na binigyan ng hanggang Hulyo 23 si Aplasca upang magsumite ng counter-affidavit matapos humiling ng palugit, ngunit ayon sa abogado nito ay naisumite na ang dokumento noong Hulyo 9. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here