Home METRO 2-araw transport strike vs oil price hike, umarangkada na

2-araw transport strike vs oil price hike, umarangkada na

5
0

MANILA, Philippines – Sinimulan ng transport group na MANIBELA nitong Miyerkoles, Hulyo 22, ang dalawang araw na transport strike bilang protesta sa malaking taas-presyo ng langis na ipinatupad noong Martes.

Humigit-kumulang 100 miyembro ng grupo ang nagtipon sa Philcoa sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City, dala ang mga tarpaulin at panawagang alisin ng pamahalaan ang excise at value-added taxes sa mga produktong petrolyo upang mapababa ang presyo ng langis.

Iginiit din ng grupo na hindi pinakinggan ng pamahalaan ang kanilang kahilingan na itaas ang minimum na pasahe sa jeepney.

Magkakaiba naman ang reaksiyon ng mga commuter sa transport strike. Ayon sa ilan, malaki ang magiging epekto ng kahit P1 dagdag-pasahe sa mga minimum wage earner, habang suportado naman ng iba ang panawagan ng mga tsuper para sa fare hike.

Sa kabila ng strike, patuloy na bumiyahe ang mga bus at jeep sa Commonwealth Avenue, ngunit marami sa mga ito ang punuan.

Nagdeploy naman ng mga tauhan ang Quezon City Traffic and Transport Management Department upang ayusin ang daloy ng trapiko sa lugar. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here