Home METRO Photojournalist, tinangkang arestuhin sa rally

Photojournalist, tinangkang arestuhin sa rally

21
0

MANILA, Philippines – Tinangkang arestuhin ng ilang pulis ang veteran photojournalist na si Bullit Marquez habang may tensyon sa isang rally sa tapat ng Aliw Theatre sa Pasay City.

Ayon kay Marquez, ayaw umano ng mga pulis na makuhanan ng larawan ang pag-aresto sa isang raliyista kaya napamura siya. Dahil dito, sinubukan umano siyang posasan ng isang pulis, dahilan upang mahulog at masira ang kaniyang camera.

Sinabi rin ni Marquez na maaaring inakala ng mga awtoridad na kasama siya sa protesta kaya siya pinigilan. Pinalagan niya ang pulis at lumayo na lamang, habang ipinagtanggol siya ng ilang kapwa mamamahayag. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here