Home NATIONWIDE PNP ACG, nagbabala vs online bomb threats sa mga paaralan

PNP ACG, nagbabala vs online bomb threats sa mga paaralan

7
0

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP ACG) laban sa mga taong nagpo-post ng bomb threats sa mga paaralan.

Ayon kay ACG Director Maj. Gen. Wilson Aseuta, hindi biro ang ganitong gawain dahil naaapektuhan nito ang operasyon ng mga paaralan, negosyo, at iba pang aktibidad. Aniya, mino-monitor nila ang mga gumagawa nito at maaaring makasuhan at makulong ang mga mahuhuli.

Ang babala ay kasunod ng pagkakaaresto sa isang teenager na umano’y nag-post ng bomb threats laban sa ilang paaralan sa San Ildefonso, Bulacan. Ayon sa pulisya, ginawa lamang umano ito bilang “trip.”

Nauna nang sinabi ng PNP na dumami ang mga bomb threats sa mga paaralan matapos ang pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City noong Hunyo. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here