Home NATIONWIDE Mas mahigpit na passenger verification sa pagprotekta ng mga motorcycle taxi riders...

Mas mahigpit na passenger verification sa pagprotekta ng mga motorcycle taxi riders iginiit ni Gutierrez

3
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si 1 Rider Partylist Rep Ramon Rodrigo Gutierrez na magkaroon ng mandatory at mas mahigpit na customer verification measures sa mga motorcycle taxi service upang maprotektahan ang mga rider laban sa mga kriminal na banta.

Binigyang-diin ni Gutierrez ang pangangailangan ng matatag na passenger verification protocol kabilang dito ang ID checks, facial recognition at mas mahigpit na booking safeguard  upang maiwasan ang mga insidenteng katulad ng pagkamatay ng 35-anyos na rider na si Ren Ren De Laviga at ni Fabo Norberte Jr.

Si De Laviga ay binaril at napatay ng isang pasaherong sinundo niya para sa biyahe mula Maynila patungong Carmona, Cavite habang sa hiwalay na insidente, sinaksak naman gamit ang ice pick ang Move It rider na si Fabio Norberte Jr. hanggang mamatay ng isang pasahero sa Caloocan.

Sinabi ni Gutierrez na kasunud ng mga insidente ay nagkaroon sya ng kunsultasyon sa mga kumpanya ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) upang  bumuo ng bagong polisiya sa para sa kapakanan ng mga riders.

“Kapag hindi talaga na-verify nang maayos ang pasahero, madaling target ang mga riders na madalas ay mag-isa sa kalsada. Hindi po ito basta-bastang patakaran lamang , buhay at kaligtasan ng ating mga riders ang nakasalalay dito,” ani Gutierrez.

Muli ring igniit ni Gutierrez sa Kongreso ang pagpasa ng House Bill 4416, ang panukalang Motorcycle Taxi Act, na naglalaman ng komprehensibong hakbang sa kaligtasan at regulasyon para sa industriya.

Kapag naisabatas, inaasahang magdudulot ang batas ng lubos na kailangang regulasyon, proteksiyon, at dignidad sa libu-libong motorcycle taxi rider.

“Kami po ay nanawagan sa ating mga kasamahan dito sa Kamara at sa Senado,  ipasa na po natin ang Motorcycle Taxi bill. Protektahan po natin ang buhay at kabuhayan ng ating mga riders,” pagtatapos pa ni Gutierrez. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here