Home NATIONWIDE Senior sa Laguna, pumaldo ng P57.6-M Lotto 6/42 jackpot 

Senior sa Laguna, pumaldo ng P57.6-M Lotto 6/42 jackpot 

3
0

MANILA, Philippines — Isang senior citizen mula sa Pila, Laguna ang nanalo ng P57.6 milyong jackpot sa Lotto 6/42 matapos tumaya ng P25 gamit ang Lucky Pick para sa draw noong Hulyo 2, 2026, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Kamakailan ay tinanggap ng nag-iisang nanalo sa pangunahing tanggapan ng PCSO ang premyong P57,645,619.60 matapos tumama ang kombinasyong 29-09-31-33-19-24.

Ayon sa mananaya, tumataya lamang siya sa lotto kapag may sobrang pera. Noong araw na mabili niya ang winning ticket, bibili sana siya ng pagkain ngunit nagpasya siyang dumaan muna sa isang lotto outlet.

“Hindi po ako makagalaw. Hindi ako makapaniwala. Totoo palang may nananalo sa lotto,” pahayag ng nanalo matapos malaman ang kanyang kapalaran.

Plano niyang bumili ng bahay at lupa upang hindi na mangupahan. Gagamitin din niya ang bahagi ng premyo upang tulungan ang kanyang anak at mga kapatid at makapagsimula ng negosyo.

Samantala, walang nanalo sa jackpots ng mga pangunahing lotto draw ng PCSO nitong Miyerkules, Hulyo 22.

Ang winning combination sa Grand Lotto 6/55 ay 15-24-36-10-48-55, na may jackpot na P89,205,403.23.

Wala ring nakakuha sa kombinasyong 08-14-39-29-01-13 ng Megalotto 6/45, na may jackpot na P17,800,795.73. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here