Home METRO Pinakamalaking irrigation project sa Palawan, pinasinayaan ni PBBM

Pinakamalaking irrigation project sa Palawan, pinasinayaan ni PBBM

3
0

PALAWAN, Philippines — Pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Ibato-Iraan Small Reservoir Irrigation Project (SRIP), ang pinakamalaking pasilidad ng irigasyon sa Palawan at unang reservoir-type irrigation project sa lalawigan.

Ayon sa Pangulo, magbibigay ang proyekto ng sapat at maaasahang suplay ng tubig sa buong taon upang maprotektahan ang mga magsasaka laban sa epekto ng pabago-bagong panahon.

Inaasahan ding tataas ang ani ng palay at gulay, pati na ang kita ng mga magsasaka.

Nagkakahalaga ang proyekto ng ₱886.12 milyon at magbibigay ng irigasyon sa 1,072 ektarya ng sakahan sa mga barangay ng Sagpangan, Iraan, at Isaub sa Aborlan. Makikinabang dito ang 425 magsasaka na kasapi ng Ibato-Iraan Farmers Irrigators Association.

Kabilang sa proyekto ang isang 31 metrong taas na dam, mga irrigation canal, access roads, at reservoir na kayang mag-imbak ng 3.013 milyong kubiko metro ng tubig. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here