Home HOME BANNER STORY TD Kiyapo, bahagyang lumakas; ilang lugar sa Hilagang Luzon, Signal No. 1

TD Kiyapo, bahagyang lumakas; ilang lugar sa Hilagang Luzon, Signal No. 1

1
0

MANILA, Philippines — Bahagyang bumilis ang pagkilos ng Tropical Depression Kiyapo habang kumikilos pahilagang-kanluran sa karagatang silangan ng Hilagang Luzon, ayon sa PAGASA.

Huling namataan ang bagyo 830 kilometro silangan ng Hilagang Luzon na may lakas ng hangin na 45 km/h at pagbugsong hanggang 55 km/h.

Nakataas ang Signal No. 1 sa Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, ilang bahagi ng Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte, hilagang Ilocos Sur, hilagang Aurora, hilagang Quirino, at hilagang Nueva Vizcaya.

Inaasahang magiging tropical storm ang Kiyapo sa Huwebes at maaari pang lumakas habang dumaraan sa pinakahilagang bahagi ng Luzon. Posibleng itaas ang Signal No. 2, at hindi rin inaalis ng PAGASA ang posibilidad ng Signal No. 3 kung lalo pa itong lalakas.

Patuloy ring magdadala ang habagat at ang epekto ng bagyo ng malalakas na hangin sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, inaasahang lalabas ang Kiyapo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Sabado ng umaga o tanghali. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here