Home METRO State of calamity sa Cagayan, nais palawigin dahil sa El Niño

State of calamity sa Cagayan, nais palawigin dahil sa El Niño

3
0

CAGAYAN, Philippines — Inirekomenda ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na palawigin hanggang Disyembre 31 ang state of calamity sa Cagayan dahil sa patuloy na epekto ng El Niño.

Ayon sa PDRRMO, malaki pa rin ang pinsala ng matinding init at kakulangan ng ulan sa agrikultura, pangingisda, suplay ng tubig, at kabuhayan.

Hanggang Hulyo 21, umabot na sa 76,328 ektarya ng sakahan at pangisdaan ang naapektuhan. Tinatayang 64,978 magsasaka at mangingisda ang direktang apektado, habang nasa ₱1.44 bilyon na ang halaga ng pinsala sa pananim.

Unang idineklara ang state of calamity noong Abril 20 upang matugunan ang epekto ng matinding tagtuyot.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, mahalagang mapalawig ang deklarasyon upang maipagpatuloy ang pagbibigay ng agarang tulong at mga programa para sa mga residenteng nawalan ng kabuhayan dahil sa El Niño. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here