Home TOP STORIES Alkalde sa Mexico, binaril-patay sa loob ng munisipyo

Alkalde sa Mexico, binaril-patay sa loob ng munisipyo

4
0

MEXICO, Mexico — Patay ang alkalde ng bayan ng Temoac sa estado ng Morelos matapos siyang pagbabarilin sa loob ng munisipyo, ayon sa mga awtoridad.

Kinilala ang biktima na si Valentin Lavin, kaalyado ni Pangulong Claudia Sheinbaum. Nakaligtas na rin siya sa naunang tangkang pagpatay noong Enero.

Natagpuan ng mga pulis at forensic team ang kanyang bangkay sa loob ng gusali ng lokal na pamahalaan.

Patuloy ang operasyon ng mga awtoridad upang matukoy at maaresto ang mga responsable sa krimen.

Ayon sa opisyal na datos, halos 100 alkalde na ang napatay sa Mexico mula noong 2006, kasabay ng paglala ng karahasang may kaugnayan sa ilegal na droga. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here