Home METRO Rider, arestado sa P1M shabu sa Taguig

Rider, arestado sa P1M shabu sa Taguig

5
0

MANILA, Philippines — Inaresto ng pulisya ang isang motorcycle taxi rider matapos makumpiskahan ng P1.02 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Barangay Lower Bicutan noong Hulyo 22.

Kinilala ang suspek na si alias Hassan, 33, residente ng Barangay Maharlika Village, at itinuturing na bagong high-value individual sa ilegal na droga.

Sa operasyon, nahuli siya matapos makipagtransaksyon sa isang undercover na pulis na nagpanggap na buyer.

Nakumpiska sa suspek ang 150 gramo ng hinihinalang shabu na nasa tatlong sachet, buy-bust money, isang .45 caliber pistol na walang lisensya, isang magazine na may limang bala, at iba pang ebidensya.

Dinala ang suspek sa Southern Police District Drug Enforcement Unit para sa dokumentasyon.

Mahaharap siya sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165) at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act (RA 10591).

Pinuri naman ni Southern Police District Director Brig. Gen. Glenn Oliver Cinco ang mga operatiba sa matagumpay na operasyon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here