Home LIFESTYLE HEALTH Matinding init sa Japan, ikinamatay ng 14 katao

Matinding init sa Japan, ikinamatay ng 14 katao

1
0

TOKYO, Japan — Nakararanas ng matinding init ang Japan, kung saan umabot sa higit 40°C ang temperatura sa ilang lungsod. Dahil dito, gumamit ang Japan Meteorological Agency (JMA) ng bagong terminong “kokushobi” o “cruelly hot day” upang bigyang-babala ang publiko.

Naglabas ng heatstroke alerts ang JMA sa 41 sa 47 prefectures ng bansa at hinikayat ang publiko, lalo na ang mga senior citizen, na mag-ingat laban sa matinding init.

Ayon sa Fire and Disaster Management Agency, 14 katao ang namatay dahil sa heat-related causes sa nakalipas na isang linggo, habang halos 11,000 katao ang dinala sa ospital dahil sa heatstroke.

“It is no exaggeration to call this extreme heat a ‘disaster’ with many people being rushed to hospitals or even dying as a result of heatstroke,” ayon sa ahensya.

Ayon naman kay government spokesperson Minoru Kihara, patuloy ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga hakbang tulad ng paglalagay ng air conditioner sa mga school gym at paghikayat sa mga negosyo na sundin ang tamang safety measures laban sa init.

“We ask all citizens to check the status of heatstroke alerts in their local areas, use air conditioners and other cooling devices appropriately to stay in a cool environment, and frequently drink water and take some salt.”

“We urge everyone to take these life-saving precautions.”

Noong Martes, isang 85-anyos na magsasaka ang natagpuang walang malay sa loob ng greenhouse sa Tochigi at kalaunan ay idineklarang patay.

Ayon sa mga siyentipiko, mas lumalala ang matitinding heat wave dahil sa climate change. Naranasan ng Japan ang pinakamainit nitong tag-init noong nakaraang taon, habang ang pinakamataas na naitalang temperatura sa bansa ay 41.8°C noong Agosto 5, 2025. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here