Home HOME BANNER STORY Magiging laman ng talumpati sa ika-5 SONA, personal na sinusulat ni PBBM...

Magiging laman ng talumpati sa ika-5 SONA, personal na sinusulat ni PBBM – Malakanyang

1
0

MANILA, Philippines – Mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nagsusulat ng magiging laman ng talumpati nito sa kanyang ika-5 State of the Nation Address (SONA) sa darating na Lunes, Hulyo 27, 2026.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na inaasahang matatapos sa Linggo, Hulyo 26 ang sinusulat ng SONA message ng Pangulo.

Aniya, ang tanging alam niya na magiging laman ng talumpati ng Pangulo sa Lunes ay tungkol sa kanyang mga priorities subalit kung pag- uusapan ay ang kabuuan ng nilalaman ng SONA ng Pangulo ay wala aniya pa silang ideya ukol dito.

Winika pa ni Castro na sa oras na makita na ang komposisyon ng SONA ay madetermina na nila kung gaano ito magiging kahaba at ano ang pagkakaiba ng nilalaman nito sa nakaraang SONA ng Punong Ehekutibo.

Sinabi ni Castro na ang sigurado lamang aniya ay hindi mawawala ang mga accomplishment para sa gagawing pag uulat sa bayan ng Pangulo. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here