Home HOME BANNER STORY Klase sa Maynila, suspendido sa Hulyo 27 dahil sa SONA – Yorme...

Klase sa Maynila, suspendido sa Hulyo 27 dahil sa SONA – Yorme Isko

1
0

MANILA, Philippines – Suspendido ang online at face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Maynila sa Lunes, Hulyo 27, 2026, sa bisa ng kautusan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kaugnay ng gaganaping ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa kanyang “Talk to the People” na ipinalabas sa kanyang Facebook page, sinabi ni Domagoso na layunin ng suspensyon ng klase na mabigyan ng pagkakataon ang mga estudyante at mga guro na mapakinggan ang magiging mensahe at ulat sa bayan ng Pangulo sa kanyang ikalimang SONA.

Ayon sa alkalde, saklaw ng kautusan ang lahat ng online at face-to-face classes sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod.

Patuloy naman na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng lokal na pamahalaan para sa iba pang kaugnay na abiso. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here