Home NATIONWIDE Insidente ng harassment sa photojournalist, iimbestigahan ng PTFOMS

Insidente ng harassment sa photojournalist, iimbestigahan ng PTFOMS

1
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Presidential Task Force On Media Security (PTFOMS) na humihingi ito ng imbestigasyon sa umano’y naganap na police harassment sa Photojournalist na nag cover ng rally sa Pasay City nitong nakalipas Hulyo 22, 2026 (Miyerkules).

Ayon kay Undersecretary Jose “Joe” Torres Jr. Executive Director ng  Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) labis silang nababahala sa naiulat na police harassment sa Photojournalist sa isang demonstrasyon sa Lungsod ng Pasay nitong nakalipas na Miyerkules at tangkang pag-aresto sa Photojournalist na si Bullit Marquez.

Nabatid kay Marquez, hinarang siya ng mga pulis sa pagdodokumento ng pag-aresto sa isang nagpoprotesta. Sa insidente, sinubukan siyang arestuhin ng mga pulis, na naging sanhi ng pagkasira ng kanyang kamera.

Kasama ni Marquez ang iba pang miyembro ng media sa pagtataboy ng protesta sa pagbisita ni U.S. Secretary of State Marco Rubio para sa 59th ASEAN Foreign Ministers’ Meeting.

Sinabi ni Usec. Torres  na patuloy ang isinagawa nilang imbestigasyon kasama ang Napolcom hinggil sa naturang insidente  upang hindi na umano maulit pa ang mga katulad na insidente sa mga miyembro ng Media na nagko cover sa mga rally.

“Naroon lamang ang media para i-document ang event at gawin ang kanilang mga trabaho” sabi pa ni Torres.

Kaugnay nito mariing kinokondena ng PTFOMS ang ganitong uri ng pananakot laban sa mga miyembro ng press habang ginagawa ang kanilang propesyonal na tungkulin sa pagtatala ng mga pampublikong demonstrasyon. May karapatan ang mga mamamahayag na ligtas na mag-ulat at magdokumento ng mga usaping mahalaga sa publiko.

Ayon pa kay Torres aktibong nakikipag-ugnayan ang PTFOMS kay Marquez at sa iba pang mga manggagawa sa media upang tuklasin ang posibleng mga aksyon kaugnay ng naiulat na insidente. Hinihikayat namin ang sinumang kasapi ng media na sa tingin nila ay nalabag ang kanilang mga karapatan na lumapit at magsampa ng reklamo.

Hinihimok namin ang mga awtoridad na igalang at protektahan ang mga karapatan at kaligtasan ng media, upang magampanan nila ang kanilang tungkulin nang malaya. Anumang paggamit ng puwersa o pananakot laban sa mga mamamahayag ay sumisira sa kalayaan ng pamamahayag at sa karapatan ng publiko sa impormasyon. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here