Home HOME BANNER STORY Panukalang pag-ban ng social media sa mga menor de edad, uunahin ng...

Panukalang pag-ban ng social media sa mga menor de edad, uunahin ng Senado

4
0

MANILA, Philippines — Nangako si Senate President Win Gatchalian na uunahin ng Senado ang panukalang batas na magbabawal sa paggamit ng social media ng mga menor de edad sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso.

Ayon kay Gatchalian, dumarami na ang mga bansa na nagpapatupad ng ganitong polisiya upang maprotektahan ang mga bata laban sa panganib sa internet.

Sa France, ipinasa ang batas na magbabawal sa mga batang wala pang 15 taong gulang na magkaroon ng social media accounts simula Setyembre 1, 2026. Bibigyan ang mga platform ng apat na buwan upang isara ang mga account ng mga menor de edad at magpatupad ng age verification.

Sa Australia, ipinagbabawal na rin mula Disyembre 10, 2025 ang social media accounts para sa mga wala pang 16 taong gulang, habang sinimulan na rin ng Malaysia ang pagpigil sa mga batang wala pang 16 na magbukas ng social media accounts.

Ayon kay Gatchalian, ipinapakita ng mga hakbang na ito ang lumalaking pagkilala sa panganib ng social media sa kalusugan, kaligtasan, at kapakanan ng mga kabataan.

“Sa pagbabalik-sesyon ng Kongreso, bibigyang prayoridad ng Senado ang panukalang batas na ipagbawal ang paggamit ng social media sa mga menor de edad.”

“Hindi na natin ito dapat ipagpaliban dahil ang kinabukasan ng ating kabataan ang nakataya dito.” RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here