BULACAN, Philippines – Arestado sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) ang Top 1 Most Wanted Person (MWP) ng CIDG-Baguio CFU sa manhunt operation ng mga awtoridad sa bayan ng Plaridel nitong umaga ng Hulyo 22.
Sa ulat ni PLTCOL Norheda Usman, Acting Force Commander, kinilala ang naarestong akusado na isang 37, construction worker, residente ng Brgy. Bulihan.
Ayon sa ulat, isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Tracker Team ng 1st PlMFC sa pamumuno ni PCPT Leonilo Caballes, 1st Platoon Leader, CIDG-Baguio City, City Field Unit, RIU 1-PIT Pangasinan, Plaridel police station at Regional Mobile Force Batallion bandang 9:00 ng umaga sa nasabing lugar.
Nabatid na ang WOA sa kasong Frustrated Homicide ay inisyu ng RTC Branch 3, Baguio City na may petsang Hunyo 23, 2026 na may inirekomendang piyansang P72,000.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Bulacan 1st PMFC ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago tuluyang i-turn over sa CIDG-Baguio CFU para sa iba pang kaukulang legal na proseso. (Dick Mirasol III)