MANILA, Philippines – Unti-unti nguni’t tuloy-tuloy na napupunan ng Department of Education (DepEd) ang classroom backlog na umaabot sa 166,000 matapos makipag-partner ang ahensiya sa halos lahat ng lalawigan, kabilang ang 87 porsiyento ng lungsod at 75 porsiyento ng munisipalidad sa buong bansa, ayon kay DepEd Undersecretary for Legal and Legislative Affairs Filemon Ray Javier
Sa kanyang testimonya sa ginanap na pagdinig hinggil sa implementashon ng P67 bilyong pondo upang makapagpatayo ng 25,000 silid-aralan sa 2026, iniulat ni Javier kay Senador Bam Aquino, chairman ng Senate committee on basic education na kumakatawan ang naturang bilang sa 1,118 mula sa 1,493 munisipalidad sa buong bansa.
Inihayag din ni Javier sa pagdinig nitong Huwebes na ipinatutupad ng ahensiya ang long-term, structural solutions upang tugunan ang classroom backlog.
“Simula nang umupo si Secretary Sonny Angara dalawang taon na ang nakakalipas, malinaw na isa sa kanyang mga prayoridad ay tugunan ang kakulangan ng mga classrooms sa buong bansa. Para sa ganitong kalaking problema, ang solusyon ay dapat pang permanente at maayos,” ayon kay Usec. Javier sa Senado.
“We assure this Committee that we remain steadfast in ensuring that we deliver the promised classrooms at the soonest possible time. We needed to undergo delicate and deliberate steps in ensuring that the solution to this problem is permanent,” dagdag ni Usec. Javier.
Binanggit din ng DepEd na inaasahang tuloy-tuloy ang paglawak ng LGU partnership habang umuunlad ang proyekto.
Ayon sa ahensiya, mula sa P67.9 bilyon total program allocation sa 2026, naipamahagi ng DepEd ang kabuuang P49.8 bilyon sa multiple channels upang maghatid ng initial batch ng 14,602 bagong silid-aralan.
Sa naturang halaga, naglaan ang ahensiya ng P22.35 bilyon sa LGUs projects upang makapagtayo ng 6,353 classroom, P20.85 bilyon sa pamamagitan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa 6,134 classrooms, PHP 3.5 billion para 1,622 DepEd Learning Continuity Spaces (LCS), at PHP 3 billion para sa civil society at non-government organizations at Last Mile Schools (LMS) upang magtayo ng 515 classrooms.
Ayon sa ahensiya, umabot sa 209 LGUs ang aktibong kumikilos sa ilang bahagi ng procurement process. “Key milestones have already been achieved, including issued Notices to Proceed in provinces like Biliran and Mountain Province, and Resolutions to Award in Nueva Ecija and Ilocos Sur.”
“Umuusad ang mga proyekto para sa classroom construction, at intensyonal para sa Kagawaran ang masusing paghahanda sa simula upang matiyak ang tapat na paggamit ng pondo ng bayan para sa kapakinabangan ng ating mga learners,” ayon kay Usec. Javier.
Upang maiwasan ang nakaraang pagkakaantalang administratibo dulot ng di-kumpleong paper records, nagsagawa ang DepEd ng sistematikong legal at technical validatin – na nakapag-rebyu ng ,972 original school site records upang makumpirma ang buildable space at pagmamay-ari.
Ayon kay Javier, nagpakalat ang DepEd ang isang engineer at apat an technical personnel kada Schools Division Office (SDO). “The team validated and digitized over 47,972 original school site records to confirm ownership and buildable space.”
“To further expand capacity, DepEd is leveraging a pipeline of 16,000 classrooms under Public-Private Partnership for School Infrastructure Project (PSIP3). Furthermore, DepEd is pursuing leasing and acquisition programs to secure 1,000 classrooms in high-density urban areas across Metro Manila, Central Luzon, and Calabarzon,” paliwanag pa ni Javier. Ernie Reyes