Home METRO 1 patay, 3 sugatan sa van crash sa NegOr

1 patay, 3 sugatan sa van crash sa NegOr

4
0

NEGROS ORIENTAL, Philippines — Isang katao ang namatay habang tatlo ang malubhang nasugatan matapos maaksidente ang isang van na sinasakyan ng Pag-IBIG Fund inspection team sa Sitio Palao, Barangay Malusay, Guihulngan City bago magtanghali nitong Huwebes, Hulyo 23.

Ayon sa paunang ulat, kagagaling lamang ng grupo sa pagbisita at inspeksyon sa New Guihulngan Heights nang mangyari ang aksidente.

Kinumpirma ng Guihulngan City Police Station ang isang nasawi at tatlong malubhang nasugatan. Sinabi rin ng mga imbestigador na ang mga biktima ay mula sa Cebu, Dumaguete, at Bacolod.

Hindi pa inilalabas ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga biktima habang hinihintay ang abiso sa kanilang mga pamilya.

Patuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng aksidente. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here