Home METRO Rider todas sa karambola ng 6 sasakyan sa Bulacan

Rider todas sa karambola ng 6 sasakyan sa Bulacan

4
0

BULACAN, Philippines – Patay ang motorcycle rider matapos magkarambola ang anim na sasakyan sa kalsada ng Brgy. Sapang Putol, San Ildefonso nitong hapon ng Martes, Hulyo 21.

Sa ulat, kinilala ang nasawing motorcycle rider na isang 32 anyos na pawang taga-Cabanatuan, Nueva Ecija.

Ayon sa ulat at base na rin sa CCTV footage, nabangga ng isang truck ang isang van kaya tumama ito sa likurang bahagi ng kasalubong na truck hanggang sa tumbukin din ang nasa unahang motorsiklo na tumumba sa kalsada at ang isang nasa gilid na  jeep.

Nang mahawi ang daan, pumailalim at nagulungan pa ng nagdire-diretsong truck ang rider mula sa  tumumbang motorsiklo na nagtamo ng mga malubhang sugat sa katawan.

Agad naman dinala ng rumespondeng rescue team ang sugatang rider sa ospital para sa paunang lunas subalit binawian na ito ng buhay.

Sinasabing may nauna nang nabanggang kotse ang truck na umanoy pumutok ang air brake kaya nawalan ng preno, ayon na rin sa ulat.

Nahaharap ang 46 anyos na driver ng truck sa kaukulang kaso na nasa kustodiya ng istasyon ng pulisya. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here