Home METRO 40 katao arestado sa ilegal na droga sa CALABARZON

40 katao arestado sa ilegal na droga sa CALABARZON

3
0

LAGUNA, Philippines – Tinatayang nagkakahalaga ng Php 3.2 Million ang nakumpiskang  ilegal na droga at 40 katao ang naaresto kabilang ang high value individual at  street level individual sa magkakahiwalay na operasyon sa lalawigan ng CALABARZON.

Kabilang sa maaresto na pawang nasa high value individual at street level individual na  nakilalang sina Alyas Sarah at Regie na nakumpiskahan ng humigit kumulang sa 300 gramo ng hinihinalang Shabu at tinatayang nagkakahalaga ng Php 2,040,000.00.

Batay sa report  dakong- alas- 2:29 kaninang madaling-araw matapos na magsagawa ng operasyon ang pinagsanib na puwersa ng Drug Enforcement Unit ng Batangas Police Provincial Office, Philippine Drug Enforcement Agency ng Batangas at Batangas Component City Police Station sa Barangay Balagtas, Batangas City

Nabatid sa ulat na 33 sabay-sabay na operasyon ang isinagawa sa loob ng isang araw sa  magkakahiwalay na lugar sa mga probinsya ng CALABARZON kung saan narekober  ang  humigit kumulang sa 464.47 gramo ng ilegal droga na may kabuuang halaga na Php 3, 159, 216.00.

Ayon kay PBGen Dominic  Baccay, Regional Director ng PRO4 CALABARZON patuloy na nararamdaman ng publiko ang epekto ng PRO4A B.E.S.T kung saan ang kapulisan ay  hindi lamang nakikita sa mga komunidad, kundi aktibong nagsisikap na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong rehiyon.

“Tunay na narararmdaman na ng ating mga kababayan ang epekto ng ating PRO 4A B.E.S.T. Ang kapulisan ay hindi lamang nakikita sa ating mga komunidad, kundi nararamdaman din ang kanilang pagpupursigi na linisin ang ating mga lansangan mula sa anumang banta ng krimen at mga ilegal na gawain tulad ng pagbebenta ng ipinagbabawal na droga,” ani PBGen Baccay.

Samantalang ang mga nadakip na suspek ay pansamantalang nasa kustodiya sa magkakahiwalay na  himpilan  ng pulisya kung saan ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 ( Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002 ). Ellen Apostol 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here