MANILA, Philippines – Nasa 21 pamilya o 95 katao sa tatlong bayan sa Cagayan ang inilikas sa evacuation centers sa pagdaan ng Bagyong Kiyapo, ayon sa Provincial Disaster Risk-Reduction Management Office (PDRRMO).
Kabilang sa mga evacuee ang apat na pamilya o 15 katao mula sa Casagan, Santa Ana; dalawang pamilya o 21 katao sa Lal-lo; at 15 pamilya o 59 indibidwal sa Gonzaga.
Ayon sa PDRRMO, namahagi ng relief goods at household kits sa mga inilikas na pamilya ang lokal na pamahalaan sa mga apektadong lugar.
Sa ngayon ay nasa labas na ng Philippine area of responsibility ang Bagyong Kiyapo ngunit mararanasan pa rin ang masamang lagay ng panahon sa ilang probinsya sa Hilagang Luzon. RNT/JGC