Home ENTERTAINMENT Robin, may sagot na kay Angel!

Robin, may sagot na kay Angel!

2
0

Manila, Philippines – ‘Di man pumatol, kahit paano’y may sagot o reaksyon si Sen. Robin Padilla sa naging patutsada ni Angel Locsin.

Marahil, the actor-senator is simply living up to the public expectation na ang tunay na lalaki’y hindi pumapatol sa mga babae–be it in words or in actions.

Pero ang mas nanaig kay Robin ay ang turing niya kay Angel bilang isang kaibigan.

Sa isang interview sa mambabatas, ibinahagi niya ito sa kanyang Facebook account nitong July 24.

Aniya: “Si Angel Locsin, kaibigan ko ‘yan. Ang katotohanan, sa aming mag-asawa–kami ni Mariel (Rodriguez)–noong nabalitaan namin ‘yon, isa lang ang nasabi naming dalawa.

“Baka may pinagdadaanan si Angel. Eh, kami naman…wala.

“So siguro, intindihin na lang natin.”

Pero tila may pasubali ang Padilla couple.

If they had their way daw, mas na-appreciate sana nila ni Mariel ang pakikipag-usap sa kanila ni Angel.

‘Yun ay kung may nais malinawan ang dating aktibong aktres.

Patuloy ni Robin: “Huwag na kaming sumagot. Huwag na kaming magsalita.

“Kung gusto niya kaming makausap, bukas naman ‘yung linya.”

Isa kasi sa mga inisyu ni Angel kay Robin ay ang ‘di nito pagtatanggol sa kanya when she was red-tagged by the government.

Alam naman daw ni Robin ang katotohanan.

“Noong panahong ‘yon, Gabriela siya, eh. Sinasabi ko sa kanya na leftist ako. Kasi wala namang masama kung leftist ka.

“Ano’ng ikinatatakot mo kung leftist ka? Ang masama ay kung may dala kang baril. ‘Yun ang problema,” saad pa ni Robin.

Sa interview, ipinaliwanag niya ang kanyang stand tungkol sa komunismo at sa New People’s Army.

“Ang pakikibaka natin ngayon, kahirapan…hindi kapwa Pilipino.

“Kailangan nating makidigma sa kahirapan,” giit niya.

Isa daw kalokohan ang pabagsakin ang gobyerno para magtatag ng panibagong pamahalaan. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here