Home HOME BANNER STORY Pinoy sa SONA 2026: Solusyon sa mga problema, ‘di accomplishments

Pinoy sa SONA 2026: Solusyon sa mga problema, ‘di accomplishments

3
0

MANILA, Philippines – Mas maraming Pilipino ang gustong marinig ang mga solusyon sa kasalukuyang problema ng bansa kaysa sa mga nagawa ng pamahalaan sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ayon sa survey ng EON.

Sa 1,200 respondents, 48.3% ang nagsabing nais nilang marinig ang mga solusyon sa mga suliranin ng bansa. Samantala, 22% lamang ang gustong marinig ang mga nagawa ng administrasyon.

Ilan pa sa mga nais marinig ng publiko ay:

–35.6% – mga hakbang laban sa korapsyon at reporma sa gobyerno

–34.7% – update sa mga naunang pangako

–32.8% – plano para mapababa ang presyo ng mga bilihin

–27.2% – tapat na pagtalakay sa mga problema ng bansa

–23.5% – mga plano at programa ng pamahalaan para sa susunod na taon

“Respondents place immediate action and accountability ahead of accomplishment reporting in what they want to hear from the President,” ayon sa EON.

Sa mga isyung nais matalakay sa SONA, nanguna ang ekonomiya at inflation na pinili ng 67.1% ng mga respondent. Sinundan ito ng trabaho at sahod (56.2%), edukasyon (53.2%), agrikultura at food security (47.3%), kalusugan (44.7%), mataas na gastos sa pamumuhay (43.3%), krimen at kaligtasan (42.4%), at korapsyon (42.2%).

Lumabas din sa survey na 30.8% lamang ng mga Pilipino ang naniniwalang maipatutupad ng pamahalaan ang mga pangakong ilalahad sa SONA.

Isinagawa ang survey noong Hulyo 7 hanggang 10, 2026, sa 1,200 adult na Pilipino sa buong bansa. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here