Home HOME BANNER STORY Number coding, ipatutupad sa araw ng SONA

Number coding, ipatutupad sa araw ng SONA

2
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na walang suspensyon ng number coding sa Hulyo 27, kasabay ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Wala pong suspension na inannounce ng number coding,” ayon kay MMDA General Manager Nicolas Torre III.

Magpapakalat ang MMDA ng humigit-kumulang 500 tauhan sa Commonwealth Avenue para sa traffic management, road clearing, at emergency response. Maglalagay rin ito ng mobile command center malapit sa Batasan Road.

Pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta dahil inaasahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Commonwealth Avenue, IBP Road, at iba pang kalsadang malapit sa Batasang Pambansa.

Posible ring magpatupad ng zipper lane sa Commonwealth Avenue depende sa sitwasyon ng trapiko.

Pansamantala ring isinara ang U-turn slots sa harap ng UP Technohub at Tandang Sora mula Hulyo 26 hanggang Hulyo 27 sa kahilingan ng Quezon City Police District.

Magpapatupad din ang Quezon City ng zipper lanes mula Elliptical Road/Philcoa hanggang Sandiganbayan at mula Doña Carmen hanggang IBP Litex para sa mga sasakyan ng mga opisyal at bisita ng SONA.

Inaasahan ding magsasagawa ng kilos-protesta ang mga progresibong grupo sa J.P. Rizal Street sa Commonwealth Avenue, habang magkakaroon naman ng programa ang mga pro-government group sa IBP/Batasan Road.

Ayon kay Torre, tapos na ang road clearing operations at fine-tuning na lamang ang natitirang paghahanda. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here