Home HOME BANNER STORY Manila Zoo, target gawing world-class attraction; Mayor Isko hinikayat publiko na bumisita

Manila Zoo, target gawing world-class attraction; Mayor Isko hinikayat publiko na bumisita

3
0

MANILA, Philippines – Target ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila na gawing isang world-class tourist attraction ang Manila Zoo kasabay ng pagdiriwang ng ika-67 anibersaryo nito nitong Sabado.

Sa pagdiriwang na dinaluhan nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Chi Atienza, sinabi ng alkalde na puspusan ang pagsisikap ng lungsod upang maibalik ang sigla at maitaas ang antas ng Manila Zoo, ang kauna-unahang zoological park sa Pilipinas na binuksan noong Hulyo 25, 1959 sa ilalim ng administrasyon ni dating Manila Mayor Arsenio Lacson.

Ayon kay Yorme Isko, bahagi ng modernisasyon ng zoo ang layuning makasabay ito sa mga kilalang zoological park sa iba pang bansa sa Asya habang tinitiyak ang maayos na pangangalaga sa mga hayop at pasilidad.

Kasabay nito, nanawagan si Domagoso sa publiko na pangalagaan ang Manila Zoo upang patuloy itong mapakinabangan ng mga susunod na henerasyon.

Inanyayahan din niya ang mga pamilya na bumisita at maranasan ang mga naging atraksiyon sa zoo, kabilang ang mga batang hayop na sina Atlas at Apollo, gayundin ang muling binuksang boating activity na nagbibigay ng karagdagang libangan at pagkakataon para sa mga bata na higit na mapalapit sa kalikasan.

Binigyang-diin pa ng alkalde na patuloy na binabantayan ng mga beterinaryo at animal specialists ang kalusugan at kapakanan ng lahat ng hayop sa Manila Zoo.

Samantala, dinagsa rin ng mga bisita ang boating activity sa loob ng zoo na nagkakahalaga ng P120 para sa apat na katao sa loob ng 20 minuto. Sinubukan din nina Mayor Isko at Vice Mayor Atienza ang naturang atraksyon bilang bahagi ng pagdiriwang ng anibersaryo. JAY REYES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here