Home ENTERTAINMENT BF ni Maymay, lumipad sa 1st anniv!

BF ni Maymay, lumipad sa 1st anniv!

3
0

Manila, Philippines – Ikaw na ang may mahabang hair tulad ni Rapunzel.

Walang duda ngang ang haba ng buhok ni Maymay Entrata na dinayo ng Fil-Am model-boyfriend na si Joaquin Enriquez para i-celebrate ang kanilang unang anibersaryo.

Sa Instagram, ibinahagi ni Maymay ang video nila ni Joaquin.

Sa caption pa lang, apaw na apaw ang kanyang kaligayahan sa effort ng dyowa.

Si Joaquin ay naka-base sa Los Angeles, California.

Long distance relationship o LDR ang drama nila.

Ayon sa caption ni Maymay: “Road 24ever with my person (white heart emoji). 5 hours until our first year…and we’re just getting started.”

Abut-abot ang pasasalamat ng singer-actress kay Joaquin who flew in para personal nilang ipagdiwang ang kanilang unang taon as a couple.

“Thank you for coming all the way here, mahal, para ma-celebrate natin ‘to together in person (teary-eyed and white heart emoji). Here’s to more years of choosing each other gihigugma kaayo tika (I love you very much).”

October 2025 noong isapubliko ni Maymay ang kanilang relasyon.

Despite their LDR, may times na dumadalaw si Joaquin dito–o si Maymay ang pumupunta sa US.

One year and still counting! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here