Home NATIONWIDE PBBM nangakong susugpuin korapsyon sa DPWH – Dizon

PBBM nangakong susugpuin korapsyon sa DPWH – Dizon

3
0

MANILA, Philippines – Gagawin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kinakailangang hakbang upang masugpo ang korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), ayon kay Secretary Vince Dizon nitong Lunes, Hulyo 27.

Ang pahayag na ito ni Dizon ay kasunod ng inspeksyon ng Culiat Bridge II sa Congressional Avenue sa Quezon City, ilang minuto bago ihatid ni Marcos ang kanyang ikalimang State of the Nation Address.

“Tuloy-tuloy ang ginagawa ng ating Pangulo, at hindi siya matitigil hangga’t talagang, di lang managot ang dapat managot, pero talagang hindi na mauulit itong napakalaking pagnanakaw sa kaban ng bayan,” ani Dizon.

Nang tanungin naman kung ano ang inaasahang sasabihin ni Marcos sa SONA, sinabi ni Dizon na umaasa itong makaririnig ng patuloy na mga hakbang kontra sa korapsyon.

“Maririnig natin sa kanya na kahit na mayroon nang mga nagawa at marami-rami nang nagawang reporma at aksyon para managot ang mga dapat managot, hindi ito titigil. Tuloy-tuloy pa rin ito,” sinabi pa ni Dizon.

Noong 2025, nangako si Marcos na tutugisin ang mga opisyal na sangkot sa maling paggamit ng pondong para sana sa infrastructure projects.

Dahil dito ay nagkaroon ng malawakang imbestigasyon sa mga iregularidad lalo na sa flood control projects at napanagot na ang ilang mga matataas na opisyal kabilang ang pinalitan ni Dizon na si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here