Home NATIONWIDE PBBM hinimok na ibalik tiwala ng publiko sa imbestigasyon sa flood control

PBBM hinimok na ibalik tiwala ng publiko sa imbestigasyon sa flood control

1
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang mga lider ng Simbahan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ihatid ang katotohanan at accountability sa korapsyon sa flood control sa ikalimang State of the Nation Address nito ngayong Lunes, Hulyo 27.

Sa pahayag, inalala ng church leaders group na ONE VOICE ang rebelasyon ni Marcos ng korapsyon sa pamahalaan nang sitahin nito ang mga nakatanggap ng “kickback” sa korapsyon sa SONA nito noong nakaraang taon.

“Mahiya naman kayo!,” sinabi ni Marcos noong nakaraang taon na nakatanggap ng palakpakan mula sa mga audience.

Sa kabila nito, sinabi ng ONE VOICE na higit pa sa mga pangako at pag-amin ang kailangan ng mga Filipino.

Ipinunto rin ng mga lider ng Simbahan na isang taon ang nakalipas, “The question remains: who allowed corruption to happen, and who benefited?”

“Corruption is not an accident. It is systemic. It thrives on patronage, political dynasties, impunity, and the absence of genuine accountability,” ayon pa sa ONE VOICE.

“While communities are drowning in floods, public funds are siphoned off and the poor are bearing the cost. We must continue to shine light on the heartbreaking truth: widespread and systemic corruption remains deeply rooted in government.”

Dapat din umanong magsagawa ng independent investigation ang pamahalaan at panagutin ang lahat ng indibidwal na sangkot sa mga anomalya kabilang ang “those who have the power to prevent such corruption.”
“Public office is a public trust, and no one should be above the law. This Sona 2026, let us demand not just another speech, but the light of truth, justice, and accountability,” sinabi ng ONE VOICE. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here